Calendar

Saturday, November 3, 2012

Spirals...

Ilang buwan na rin ang nakalipas katapos ng huling mga pangyayari dito. Mula sa mga estadistika, may iilan pa ring pumupunta sa bahaging ito ng internet sa hindi masabing mga dahilan. Maari kayang naghihintay sila ng magsasalita sa katahimikang tila hindi na mababasag?

 Kaya ngayong ikatatlo ng ikalabing-isang buwan ng taong dalawang libo at labindalawa (ayon sa Gregorian na talaarawan), naisip kong bigyan ang pook na ito ng kaunting tunog.

 Iyan lang ang masasabi ko ngayon, kaya maligayang pagbati sa inyong pagtatapos at magandang gabi. Hinihiling ko ang inyong mabuting kalagayan.